bona fide art-ista
...when all else fails, would you be brave to see right through me.
friendster ... mail ... photobucket
You can access this blog through destined.to/kenneth or through kenutz.braveblog.com
Kanina, shet, kinilig ako…
Kanina kasi, after 15 million billion gazillion years, nakita ko na ulit yung crush ko. Shet, ito na naman, kinikilig na naman me! Nagkita na naman kami ni destiny…
Recall:
(Parang Math 17?)
Si destiny ung crush ko last sem at fyi, sa kanya ko ‘sinisisi’ (sort of) ang 20% na dahilan ng aking pagbagsak sa ES 11. (50% dahil sa org, 25% dahil sa mga rum mates at 5% dahil sa katamaran). Yun…
Ganoon pa rin si destiny, cute pa rin, medyo nag-iba ng hair pero ganon pa rin nga… crush ko pa rin siya…
Kaya lang, ang pangit ng timing.
Nasa tambayan kami kanina ng Kalilayan at nilalaro namin ang kaisa-isang larong minahal ko simula pa lamang ng ako’y natutong tumalon nang naka-khaki shorts at leather shoes—Chinese Garter. Ang saya ko kanina kasi kaligayahan ko yun eh, yung lumundag-lundag sa garter habang hirap na hirap na yung mga taya sa kahahawak ng garter (na lampas ulo! Take note). Ayun, bilib na bilib sila sa akin.
Pero ayun nga si destiny, nakakainis…
Bigla kasing may nag-excuse sa akin habang popormang lulundagin ko na yung lampas ulong level. Pagtingin ko, shet, siya na nga. Badtrip.
Malay ko ba kung ano yung iniisip niya di ba? Yung tipong ‘bakit ka naglalaro ng ganyan e pang girlets lang yan.’ Gender bias pala ito… Pero hindi ko nga kasi siya kilala personally kasi hindi man lang kami naguusap last sem nung naging klasmeyts kami. Ano kaya ang inisip non? Shet, ano nga kaya?
Kebs, pinaraan ko lang siya at tinalon yung garter.
Ang cute talaga niya. Hehehehe
Napagkaalaman ko gamit ang aking ultra super duper mega spying techniques na siya pala ay isang aplikante sa org na kinabibilangan ng aking run mate. Ehehehehe, simula na ito ng stalking, ehehehe…
At dito nagsisimula ang Operation: Destiny unveiled!
Regalo na to ng tadhana sa akin,
BERTDEY ko nga pala ngayon.
Ehehehe…
Birthday suit, with my fave song...
Click the pic to enlarge.