Wow, as in WOW! (not wowowee...duh!!) Ang dami ng nangyari sa aking buhay simula nong huli kong sulat dito sa "pinakamagandang blog sa buong mundo." Ehehehe, self-declaration daw. Anyway, eto na, ang headline edition ng bona fide art-ista!!! (confetti--confetti)
Headline #1: Kenneth, bumagsak sa ES 11 Mga tao, nagtataka?
>yuck, corny naman. Parang pang-abante. Cheap! Pero totoo nga na bumagsak ako sa onse (ES 11) na kinuha ko last sem. Oh well, di kinaya ng underweight kong katawan na pagbalansehen ang 20 units kong dalang subject at ang 2 orgs na sinalihan ko, plus ang napakagulong buhay ko noon sa loob ng "kagubatan" este kwarto ko pala sa dorm. Para kasing di mga tao ang nakatira doon eh, di rin sila hayop, siguro yung lower than low pa sa hayop, yun na yon. Basta, alam ko na kung saan ako nagkamali (naks! kanta ba yon?!) kaya ngayong sem: I'M BACK WITH THE VENGEANCE!!! harhar...
Bombshell #2: Kenneth (ulit), nanakawan ng 1,000?
>truer (mas-totoo

) than the Gloriagate tape. Opo, nanakawan ako noon sa dorm ng tumataginting na 1,000. Nangyari yon nung bayaran na ng dorm fees at katanga-tangahan ko, iniwan ko sa dorm yung pera kasi pupunta kami ni friend sa tambayan ng mga snatcher (sa Philcoa) noong gabing nangyari yon sa pagaakalang mas ligtas sa dorm yung pera. Shet shet... Ayun, nakiusap na lang ako sa dorm manager na kung pede mahuli yung bayad. Hulog ng langit naman si dorm manager kasi pumayag siya. Ang tanong: kilala ko ba yung kumuha? Sagot

magpanggap na si Mahal) SYEMPRE NAMAN!! Hindi lang ako gumaganti kasi Diyos na ang bahala sa kanya...
Headline #3: Kenneth (na naman!!), naghahanap ng trabaho?!!
>Ang pramis ko sa sarili ko ngayong sem na 'to eh kailangan kong makatulong sa mga magulang ko. Kaya naghahanap ako ng trabaho ngayon. (Wow, ulirang anak, ikaw ba 'yan?) Kahit anong kaya ko: tutor, service crew (as in "yes sir, mam welcome to ..."), macho dancer (nyek nyek), tagapamigay ng flyers sa kanto, kahit ano!! Sinubukan kong maging SA (Student Assistant) pero di ako pinayagan kasi sa bagsak kong ES 11. Kaya ayun, hanap-hanap pa ako hanggang ngayon...
Eksplosibong Balita #4: Kuya ni Kenneth, nasa SLPC?
>Parang blind-item! kinaya mo ba? Si Kuya Karlo yon na dating nag-aral dito sa UP, tapos namundok sa Baguio para magsundalo (PMA) at ngayo'y namundok din doon sa Quezon para pumasok sa SLPC. 1 taon lang ang tinagal ni kuya dito sa UP kasi, uhmmm, kasi, di ko rin alam!!! (hehe) Tapos pumasook siya sa PMA kasi, lam mo na, krisis kaya pati libreng edukasyon sa Baguio eh pinatulan na rin niya. Di rin siya nagtagal don kasi, HINDI KO RIN ALAM!!! E ano bang alam ko? Sa totoo lang, wala. Joke lang! Meron naman, pero medyo personal yung mga dahilan kaya masinsinang talakayan ang kailangan dyan. Yung tipong kailangan mo ng 200+ na IQ para maintindihan. Loko lang. Basta, mahaba pa sa EDSA ang kwentong yon. Ang masasabi ko lang, Walang ginawang labag sa batas ng gobyerno ang kapatid ko. (Drama no?) Kaya di siya hinahabol ng BIR. hehehe...
Bombang balita #5
>Malamang ang kasunod na e, granadang balita?! Ang balita eh, bago na kwarto ko sa Molave Dorm. Yehey!! (confetti--confetti). Wala na rin ako sa kagubatan kasi, nasa paraiso na ako...
Molave Walk
Sana gumanda na nga ng tuluyan ang buhay ko. Ang daming mga bagong residente, ang kulit-kulit, mang saya ng sigsheet nila, la lang. Sana masaya na nga ang buhay dorm...
Granadang Balita #6
>Sabi na nga ba e!! Ayan, ang granada ko ay ang pag-uwi ko sa Sabado para turuan ang mga bata sa Quezon National High School ng mga bagay-bagay tungkol sa Unibersidad ng Pilipinas. Kasama ko ang...
na magtuturo ng Math, English, Filipino, History, etc. etc. Kung alam niyo lang, ilang buwan ko ring pinaglamayan nag picture na yan, kasi pinagawa naming tarpoulin yan para maging Batch project naming mga aplikante noon. Buti na lang tapos na ang lamay at maligaya na ang lahat! And we live happily ever after watching Kampanerang Chuva. ehehehe...
at ang Umaatikabong Chika-mainit na mainit #7
>kaya pa ba ang kakornihan? Huli na to,pagtyagaan na lang. Baliw na baliw ako ngayon sa Naruto. Nakikipag-gerahan pa ako sa mga tao sa dorm kapag ang ingay nila habang nanonood kami. A basta, Naruto!!! Naruto!!! At espesyal na pagbanggit (special mention) naman kay Kenshin Himura kasi siya nag aking napiling "coverboy" ng blog ko. Nung bakasyon, wala na akong ginawa kundi manood ng Samurai X tuwing hapon sa Studio 23. Hindi pa rin siya kumukupas hanggang ngayon. Haay... Kung pede lang magpalit na lang kami ng mundo: Ako na lang ang pinakamagaling na Samurai-Philisopher-Preacher-whatever at siya na lang ang batang araw-araw na nangangarap na sana'y tumaba siya...
Hehehe!! babay...